(FF) Insert Your Title Here


DISCLAIMER: Sorry for using their names for my fanfics! I don’t own them. But I wish I really own them. Anyways…Enjoy.

Sorry, I don’t know how to use hyperlink. Bobo ako sa computer 🙂 .

***

Insert Your Title Here

Hmm. Tinotopak ako kagabi at hindi ako makatulog kaya napagdesisyunan kong magsulat ng Tagalog fanfic. Sorry sa mga kalokohan ko.

I did not put any names here so that you are free to use your own name and your favorite member in this story.

Bahala rin kayong isipan ng title ang story na ito.

Ginawa ko ring first person POV kaya mas mafi-feel nating lahat.

Enjoy! Leave your comments, suggestions. PLEASE. They are ♥♥♥.

Sorry kung Tagalog. Nosebleed ako sa English.

This is it!!!

***

“Sheep! Sa university rin siya mag-aaral!”

Grabe ang tibok ng puso ko nang malaman ko na isa sa mga miyembro ng Super Junior, ang hinahangaan ko ng KPOP band, ay mag-aaral sa university kung saan ako pumapasok. Hindi ko alam kung ako ay matutuwa, kakabahan, o mag-aalinlangan sa balitang ito.

Patuloy akong nag-browse at umabot ako sa pinakadulong page ng search engine. At isang rebelasyon ang tumambad sa akin – ang opisyal na pahayag nito.

“I’ll be studying in the Philippines. My parents and the company agreed. They are currently organizing things already. By next start of classes, I’ll be sitting in a classroom and become an ordinary university student,” sabi nito.

Astig, may pa-presscon presscon pa, sabi ng utak ko. Pero deep inside, tuwang-tuwa ako na nag-aalangan Malay ko ba kung gawa-gawa lang ito ng mga fans para naman ma-excite ang mga fans niya dito.

Nang tinanong siya kung bakit dito siya mag-aaral sa Pilipinas, ito ang sinagot niya:

“I really wanted to study there because according to my sources, this university is one of the best business schools in their country. You know that I really like challenges, right?”

Patuloy akong nagbasa. Nakaka-flatter naman ang mga sinabi niya, pero hindi pa rin ako lubusang naniniwala. Ewan ko ba.

Sus, inaantok na ako, pero sige, second to the last paragraph na naman ito, eh, sabi ng utak ko. Halos pabagsak na ang mata ko. Pero tiniis ko para sa susunod na paragraph na babasahin ko.

Tinanong siya ng interviewer kung anong course ang kukuhanin niya, ito ang isinagot niya:

“I’ll be taking up <insert your course here>. Wish me luck!”

Tuluyan na akong napapikit. Hindi ko na talaga kaya.

Ah. <Insert your course here> majors. Ang galing naman talaga…Wait a minute?!

Paulit-ulit ang mga salitang binitiwan nito sa aking utak. Doon ko lang na-realize at ang bagay na iyon lang ang naisip ko.

“Sheep! <Insert your course here> major rin ako!”

***

Hindi ko talaga alam kung bakit pa ako nakatulog nang sandaling iyon. Siguro ay dahil na rin sa puyat.

Mukha naman talagang hindi totoo.

Tahimik ang university. Walang mga banners, posters and whatsoever na nakatambak sa labas ng gate. Wala rin namang mga media men na nakatambay sa labas.

Pero naman ang aasahan mo. Maaga pa lang at siguradong ako na naman ang pinakamaaga sa university – I mean sa klase namin.

Nawala ang kaba at ang saya ko. Lungkot at inis ang naramdaman ko ng mga sandaling iyon.

“Nakakainis na talaga ang gumawa niyon!” Ang sigaw ko. Kulang na lang talaga i-curse ko.

Galit na galit akong pumasok sa classroom at umupo sa usual na upuan ko – sa tabi ng pinto. Padabog kong itinapon ang gamit ko sa kabilang upuan.

“Aish! Kainis talaga ang gumawa niyon!” Muntik ko nang sipain ang upuan sa harapan ko. Buti na lang ay isang boses ang pumigil sa akin para gawin iyon.

“Hi, What’s your name?”

Sarap sapakin nang isang ito. Alam nang galit na ako, ganda pa ng bati sa akin. Sinira niya ang momentum ko.

“Wh-”

Sheep! Sheep! Bakit hindi ko siya napansin kanina? Totoo nga! May mas maaga palang dumating kaysa akin, for the first time in the history of my life.

“I’ve seen you a while ago, and you seemed so angry. And here I am, still disturbing you. I’m so-”

“No! You don’t have to say sorry,” Aba. Biglang nagbago ang mood ko. “It’s my fault that I did not notice you awhile ago, so, pardon me. I am always the earliest one to arrive.”

“Really? I am used to wake early because of my schedule,” sabi niya. “Oops, I slipped. By any chance, do you know me?”

Patay. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Sasabihin ko ba na kilala ko talaga siya o hindi?

Pero bago pa ako sumagot, nagsalita na siya.

“Good, so you don’t know me or anything about me. We can be friends,” sabi nito.

Na-guilty ako. Paano kaya kung sabihin kong kilala ko siya, lalayuan niya kaya ako? Pero kung sabagay, mas mabuti na ang ganito. I’m sure, magiging friends kami.

Bakit naman kaya ayaw niya na kilala siya ng mga tao? Popular naman siya, at kahit anong sabihin niya, out of twenty-five, may tatlong nakakakilala sa kanya.

Nagpakilala siya, at ganoon rin ako sa kanya.

Mahaba pa ang pagpapakilanlan at kailangang paigsiin ito.

Doon nga nagsimula ang lahat. Masaya akong kaibigan ko na ang pinakahinahangaan ko sa Super Junior. At siguro naman ay masaya siya na maging kaibigan ako.

***

Lumipas ang ilang araw, ‘nakilala’ ko siya ng husto. At dahil lagi siyang tinatawagan ng kanyang mga co-members, nagkakaroon ako ng time na makausap sila. I learned simple Korean sa tulong niya, at nakipag-usap ako gamit nito, ng English, at ng Filipino.

Narinig ko na naman ang mga ‘Engrish’ nila. Okay naman. Nag-improve ng marami.

Happiest girl on Earth. Iyan ako ngayong kaibigan ko pa siya. Paano kaya kung malaman niyang matagal ko na pala silang kilala? Ngayon pang nahuhulog na ang loob ko sa kanya?

At dumating nga ang puntong iyon. Nalaman niya iyon dahil nakita niya sa aking collections nang bumisita siya sa bahay namin at wala ako. Nagalit siya sa akin. Galit na galit. Pinagkatiwalaan niya daw ako.

“I thought you are true and trustworthy. I can’t believe that you fooled me!”

Sino bang may sabing niloko ko siya? Kung hinintay niya ang sagot ko noong una kaming nagkakilala, eh di sana walang ganitong nangyari sa amin. Pero kasalanan ko pa rin. Sa tagal naming magkasama, ni minsan ay hindi ako humanap ng tiyempo para sabihin ang totoo sa kanya. Natatakot kasi akong layuan niya ako. Ngayon pa… Ngayon pa na gusto ko na siya.

“Pero sasabihin ko naman talaga sa iyo-”

“Stop! I don’t want to hear excuses again. You hurt my heart.”

Nag-walk away siya. Naramdaman ko na lang na tumulo ang luha ko habang pinagmamasdang lumalakad siyang papalayo.

Masakit na nagustuhan ko siya. Mas masakit na hindi niya ako hinayaang magpaliwanag. Pero ang pinakamasakit, hindi ako nagtapat sa kanya bago pa mangyari ang lahat ng ito.

***

Hindi kami nag-usap for a week. Walang kahit ano, kahit group works na kailangan kaming mag-usap, wala.

Dumating ang araw na hindi ko natiis ang sarili ko. Kinausap ko siya, kahit na ipagtabuyan niya ako.

“Listen to me!”

“I don’t want to. Buti na lang at matatapos na ang school year at aalis na ako,” sabi nito.

Oo nga pala. Aalis na nga pala siya. Lalo akong nalungkot. Halos tadtarin na rin ang puso ko.

So cold-hearted! Sarap kutusan! Pero nilunok ko ang pride ko.

No choice. Kailangan ko nang sabihin ito.

“I like you! Kailangan mong malaman ito bago ka umalis!” sabi ko, habang lumuluha.

Nag-iwan siya ng blangkong ekspresyon sa mukha. Natigilan siya.

“Kahit hindi mo ako mapatawad o kung ano pa man. Pero at least nasabi ko ito sa iyo. Thank you, sorry and goodbye. Salamat sa memories. Naging masaya ako dahil nakasama ko at naging kaibigan ko ang taong matagal ko nang hinahangaan.”

Tumalikod ako, pero nagsalita rin siya na ikinahinto ko.

“Gusto rin kita. I am also thankful that I met you, and be your friend. Aside everyone in my group, you were the only one who knew me better, and you really treat me as your best friend. But I really have to go. I’ll be back to visit you someday,” sabi nito. “You can always contact me. I’ll be happy to hear your voice again.”

“Does that mean, napatawad mo na ako?” Muli akong humarap sa kanya.

“Oo, hinihintay ko lang na sabihin mo sa akin ang mga narinig ko,” Ngumiti ito at iniabot ang mga braso niya bilang paanyaya para yakapin ko siya.

Pero bago ko pa siya nayakap, narinig ko lang na may nagri-ring sa tabi ko.

***

“Pesteng alarm iyan!”

Nakatulog nap ala ako sa tapat ng computer.

Napatingin ako sa huling paragraph na hindi ko na natapos kinagabihan. Nagulat ako sa aking nakita.

“Sorry, but this is only a joke. He will not go to the Philippines to study. How can he do that, he already got his degree! Fooled you!”

Hay naku, sarap talagang murahin ang mga rumors na katulad nito. Napapanaginipan ko pa ng wala sa oras.

Kung sana nga lang ay totoo na lang ang experience na ito. Hay.

***

One thought on “(FF) Insert Your Title Here

  1. astig. hahah!! ikaw pala ang bida dyan ate! :))
    i so so love it ! :))
    nakakatawa! 😀 😀 😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s