(RP) Lazy Morning


Warning: Tagalog post. Don’t read if you can’t understand the language. Thank you. But better not read. Or the bitterness of this rant will hunt you. Haha!


Tinatamad talaga ako. Kailangan kong umalis, pero ayokong umalis, dahil tinatamad nga ako. Hindi ko alam kung ano yung mga iba kong gagawin, maliban na lang sa pag-aaral ng LP simplex at yung isa, for midterm exam ko Monday next week, at yung isa, reflection paper ko about a movie, tapos review para sa report ko next week, at yung case study. Grabe, ang dami kong gagawin pala.

Kaya ayokong umalis eh… Kasi hanggang mamaya pa ako babalik, mga siguro 8pm. Tapos… ako pala yung maghuhugas ng pinggan. Pero wala naman sa akin yung paghuhugas ng pinggan kasi madali lang yun.

At pwede naman akong magpuyat mamaya. Haha.

Free cut ako sa isa kong subject sa Monday, isang midterm exam din sa isang subject. Sa Tuesday, deadline ng mga assignment sa dalawang subject at isang test, kung hindi ako nagkakamali. Sa Wednesday, report at deadline ng case study. Sa Thursday, test sa isang subject or dalawang subject. Ayun, pahinga ng Friday or pupunta ng SJ Fiesta sa Friday (pero hindi ako makikigulo sa NAIA since maraming tao at ayokong makikigulo ako). At Sabado, SS3 Manila.

Nawala ang excitement ko. Bakit? Ewan? Kasi pagkatapos ng gabing yun, wala na ulit. -_- I mean, the second greatest day of my life will happen on that day, kailangang sulitin ang tatlong oras sa paraang alam ko. Ayoko nang mangyari yung bitin factor last SS2.

Pero may bago akong camera, siguradong masaya yun. Kasama ko rin yung kapatid ko, pareho kaming sabay mag-spazz sa mga biases namin.

Oh, sheep, hindi pa pala tapos yung ibang fansigns ko. -_-

Tapos next next week birthday ko na, debut at pinakaimportangteng birthday, pero wala pa rin akong plano for my friends. Sabado rin yun. Alangan namang hindi ako mag-plano for my birthday? Gusto ko sana yung katulad ng traditional debut na may 18 roses, 18 candles, 18 toasts at 18 thousands, may cotillion, may malaking handaan, at lahat, pero wala, ayaw ng tatay ko. Sabi niya, bakit gagastos ng pagkalaki-laki sa iisang gabi lang naman at tapos na. Yun nga eh. Iisang gabi lang yung birthday ko. Next year na ulit, kaya lang hindi na ako 18.Nineteen na ako. I bet, sa kasal ko, kung sakaling ikakasal ako, tututol din ang tatay ko sa malaking handaan. Maraming gastos lang daw, maliban na lang kung anak-mayaman yung mapapangasawa ko, di ba?

Hindi sa naghahangad ako na ikasal na. Naisip ko lang kung ganoon rin ba ang kalalabasan nung event na yun kung ganito ang mangyayari sa birthday ko.

At isa pang dahilan, kaya ayaw niyang maghanda… may kagalit siya sa pamilya namin. And the irony is, yung kagalit pa niya ang nagsasabing maghanda ako for debut. Ewan ko, pero siguro para mang-inis lang.

Hindi naman ako naghahangad ng magandang handaan, noon oo, sabi ko pa nga SJ yung 18 roses ko eh, ia-add ko na lang yung gusto kong idagdag. Hahaha! Siyempre hindi yun pwede, so inisip ko na lang na gusto ko sa Jollibee, at 18 Jollibee ang 18 roses ko. Masaya yun! Haha.

Pero ayun nga, tinatanong ako ng nanay ko kung ano ba talaga yung gusto ko, kung sinabi ko naman na maghanda dito sa bahay, kokontra din ang tatay ko. So kahit sagutin ko sila kung ano ang gusto ko, then, mauuwi lang sa inis na naman. So kunwari naman ako, gusto ko yung iniisip nilang mag-i-ibang bansa na lang. Kaso nga lang wala ng promos. So parang hindi rin yun matutuloy. In the end, I’ll end up doing nothing. Or domestic na lang.

Kung ayaw nila ng hindi promos, walang patutunguhan ang birthday ko. Sa araw na lang Sabado next week, ise-celebrate ko ang birthday ko kasama yung mga friends ko. Hindi sila marami nga lang. -_- Boring na naman. Nakakainggit lang yung mga taong nag-debut. Si Ate Joan nag-debut, sa suggestion ng nanay ko. Si Ate Ruth, napag-usapang magde-debut, pero hindi natuloy, pero pumunta na lang naman silang Canada. Ako, na next in line sa aming pamilya, wala. Kahit isa wala, simpleng handaan, wala, travel, alanganin, SS3 lang ang natitira sa akin.

Sana kahit isang beses… gastusan nila ako (Well, pag-aaral ko nga lang sobrang gastos na eh). Pero I mean… birthday ko. Once in a lifetime 18. 19 na next year, tapos kung matatapos na ang lahat sa December, then Wala, hanggang 19 lang ako.

Okay lang naman talaga eh. Pero… 😦

Suggestions… anong magandang gawin sa birthday ko?

So ayun, tapos na akong mag-rant. Sheep. Hala, late na ako. -_-

Bye.

P.S. I want Teukie to get his haircut before SS3. Donghae’s hair. O_O

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s