(RP) Nasisiyahan


Ako ay nasisiyahan sapagkat ako ay malayang gumamit ng mga malalim na wika na tulad nito. Hindi lamang kasiyahan ang naibibigay ng ganitong salita. Nagbibigay rin ito ng bagong kaalaman sa paggamit ng mga malalalim na Tagalog. Subalit hindi pa rito nagtatapos ang lahat – kung tutuusin, mas gaganda ang ating wika kung gagamitin lamang ang mga natatanging salita. Makakatulong rin ito upang maging mas kapanapanabik at mas kaakit-akit ang usapan ng dalawang tao.

Oo, maaring ang paggamit ng mga salitang ito ay mahirap unawain, sapagkat kailangan mo munang intindihin ang  buong pangungusap bago mo malaman ang nais iparating na mensahe. Ngunit ang maganda ay naipahahayag ng isang tao ang kanyang saloobin sa isang maganda paraan.

Hindi ako guro ng wika, at nais ko lamang itong gamitin upang masanay ako. Ang pumukaw sa akin upang ito ay aking gawin ay ang palabas na Grazilda. Ako ay namamangha sa pagsasalita ng bida.

Masaya akong nakapaghahatid ako ng mga mensahe sa aking wika.

***

Naiinis ako dahil may mga taong hindi marunong umunawa sa aming ipinapahayag. Oo, tawagin mo man kaming nahihibang o walang utak, ngunit alam namin ang aming ginagawa. Hindi kami ipinanganak upang ikaw ay masiyahan. Lalong hindi kami binuo upang baguhin ang iyong pananaw. At mas lalong hindi kami dapat tratuhin ng ganito. Hindi lahat ng tao ay katulad mo, tama, ngunit dahil sa iyong ginagawa ay nasisira ang mga taong kauri mo.

Wala kaming intensyong makipag-away subalit ikaw ang nagbibigay-dahilan upang tuluyan nang masagad ang aming pasensya.

Lalong hindi kami mabubuwag dahil sa iisang taong tulad mo.

***

Magandang gabi. Sana patnubayan kayo ng Maykapal.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s