(RP) Ano Nga Ba?


I am writing in Filipino and some English. So you can continue to read if you want, or don’t if you don’t. 😀

Marami na ang mga nagtatalo tungkol sa ‘pagkawala’ ng OPM. Sabi ng iba ay dahil ito sa puros revivals ang mga ginagawa ng Pilipino at ang iba naman ay dahil sa pagsikat ng mga banyagang kanta.

Kamakailan, mas naging tanyag ang KPOP o Korean Pop sa Pilipinas. Nagsimula ang Hallyu, o ang Korean Pop Culture sa Pilipinas nang magkaroon ng mga Korean dramas, at kung anu-ano pang impluwensya ng mga Koreans. Ngayon, naging sikat ang Korean Pop Music dahil na rin siguro sa pagpapalabas ng music video ng Nobody ng Wondergirls, at pagsikat ni Sandara Park na naging miyembro ng sikat na grupong 2ne1. Kasunod nito ang paglabas ng iba pang mga Korean groups tulad ng Super Junior, Big Bang, Tohoshinki, Girl’s Generation, 4Minute, U-Kiss, Beast, MBLAQ, 2PM, SHINee, T-Ara, Kara, si BoA, si Rain at marami pang iba.

Nangangamba ang mga Filipino musicians dahil sa unti-unting pagsibol ng KPOP sa bansa, maging ng mga banyagang kanta. Nangangamba sila na nasisira na ang OPM at hindi na ito nabubuhay sa mga panahon ngayon.

Nauso ang mga revivals at mga isinaling kanta dahil na rin siguro sa kawalan ng pondo para sa mga composers at mga musicians. Hindi na rin maitatago ang kakulangan ng promotion ng mga OPM songs sa radyo o kaya naman sa TV.

Subalit, totoo nga bang namamatay na ang OPM dahil sa KPOP?

Gusto kong sabihin ang opinyon ko na walang kinikilingan. No biases.

Para sa akin, hindi namamatay ang OPM at hindi ito kailanman mamatay. Habang mayroon tayong pagmamahal sa mga kanta ng sariling atin, at mga Pilipinong mangangawit na kilala sa ibang mundo, mayroon pa ring OPM. Kaya nga lang, marami pa rin ang nagsasabing patay na nga ang OPM dahil sa mga banyagang kanta, lalo na sa KPOP na nauso sa Pilipinas mga isang taon na ang nakalipas. Subalit para sa akin, hindi ito dahil sa KPOP. Hindi ko ito sinasabi dahil oo, fan ako ng KPOP, ngunit ang pagmamahal ko pa rin sa bansa natin ay nahihigit. It’s just that nalulungkot na rin ako sa mga nangyayari. Nakakalungkot mang sabihin, ang ibang Pilipino ay nagiging racists. Oo, aaminin ko, minsan ako ay ganito. Ngunit minsan sumosobra na.

May mga nagsulputang fanpages sa Facebook na mga nagiging anti-KPOP, at mga fanpages na anti-OPM. Ang mas nakakalungkot na isipin, mga Pilipino ang gumagawa ng ganito. Ano kaya ang pakiramdam ng isang Pilipino na mahal ang parehong genre ng musika ay magkakasiraan dahil sa pride at sa pagiging racists? Okay. Walang masamang mahalin ang isa pa, ngunit dapat unahin ang sarili natin, hindi ba? Pero ang iba, sa kasamaang palad ay itinatakwil pa ang sariling lahi para sa mga banyaga. At ang iba naman ay napupuno ang galit dahil hindi nila masakyan ang hilig ng iba. Pero hindi naman lahat ng tao ay ganito.

At lumabas pa nga ang illuminati talk about SHINee’s Lucifer and Narsha’s Bbi Rri Bba Bba. Sabi ko, here we go again, may dahilan na naman ng away. Sa SHINee, yes, the title is Lucifer, pero hindi ko ito inisipan ng masama, not until marami na ang pumuna sa choreography. Sa tingin ko,  Lucifer means ‘Shining One’ so, SHINee ang group name nila. At sakto sa lyrics. Sa music video naman, noong una ko iyong mapanood, wala akong nakitang kahit ano (maliban sa mas mukhang mas ginastusan kaysa sa Miinah (Bonamana)) o napansin na anti-Christ. Sa Bbi Rri Bba Bba, I like the song, lalo na si Narsha ng Brown Eyed Girls ang singer. Unexpected na gagawa siya ng autotuned song, dahil maganda ang boses niya, pero nagustuhan ko kaagad ang kanta. Nang mapanood ko ang MV, naisip ko si Lady Gaga. Pero may tiwala naman ako kay Narsha. At wala akong nakitang anti-Christ not until may mabasa akong article about it.

Ang KPOP ay nag-exist bago pa lamang magsimulang ‘mawala’ ang OPM. Noon pa man, marami nang mahilig dito, kahit na hindi pa ito sikat noon. Para sa akin, noon, ayoko talagang sumikat ang KPOP sa bansa. Hindi dahil sa isa akong anti (mas lalong hindi yun ang dahilan dahil kpop fan din ako), dahil iyon noon sa ayaw kong makilala ng iba ang mga idols ko, marami akong magiging kakompetensya. Ang babaw ano? At isa pa, mas maganda ang isang bagay kung kakaunti lang ang nakakaalam. Hindi nagiging gasgas, ika nga. At higit sa lahat, piracy. Ayokong mangyari sa KPOP ang nangyayari sa OPM dahil sa piracy. Pero may iba pa palang dahilan kung bakit ayoko noong sumikat ito. Dahil pala hahantong sa ganito ang lahat.

Actually, gusto ko na ayaw ko. Nai-imagine ko pa noon, kasama ng aking best friend na patutugtugin ang mga favorite namin na KPOP songs sa radyo. At magko-concert ang SuJu dito. Well, natupad iyon ngayon. At iba pa. Ngayon na nagtupad na ito, parang binawi ko na yung simpleng pangarap namin. Oo, nagpapasalamat ako na nagkaroon ng concert ang SuJu dito, at ang iba pa. At yung mga albums na pinapangarap naming bilhin ay available na dito. Nananaginip nga ako na ire-release ang album dito. Oo hanggang panaginip lang noon. Hindi ko akalaing magkakatotoo. At masaya tungkol dito. Ang problema nga lang, ang ibang mga tao, tino-tolerate ang KPOP na umaabot sa pagpo-promote nito, imbes na OPM, para sa pera. Siguro, secondary na lang ang pagpapasaya ng mga fans. Yung ibang mga nakikita ko, minsan mali ang ibang mga impormasyon though, helpful din naman sila. Pero minsan dahil sa lang pagkakamali, marami na kaagad ang mga mata at tengang nakamasid at nakikinig. Hindi masama ang pagma-market nito, hindi ba, pero kapag nasobrahan, may ibang epekto na, masama man o mabuti.

Hindi sa pagiging selfish, pero yun ang naramdaman namin nung nagsisimula pa lang ang lahat. Hanggang ayun nga, marami na ang pinagtatawanan ang hilig namin. Minsan, ikinakahiya ko ang pakikinig ng KPOP songs dahil pakiramdam ko, halos lahat, galit o ayaw ito at iisipin nilang ayoko sa OPM. Mahirap na, maraming nagje-generalize. Pero natuto akong magpahalaga sa musikang nakahiligan ko. Na hindi pala masama ang pakikinig nito, dahil alam ko sa sarili ko na mahal ko rin ang OPM.

Hindi ko sinisisi ang pagkahilig ng Pinoy sa KPOP. Natural lang iyon, hindi ba? Oo nga, para kasing may something sa KPOP na nagustuhan ng karamihan… tulad ko at ng mga best friends ko.

Hindi naman ipinanganak ang KPOP para sirain ang OPM. Pero bakit marami ang naninisi sa genre na ito? Isa pa, hindi ba kayo nagtataka kung bakit ngayon lang nag-react ang mga Pilipino sa ‘pagkawala’ ng OPM? Matagal na ang mga American songs na namamayagpag sa ating local radios and televisions. Napaka-unfair kung iisipin, dahil sila ang batayan natin ng magagaling. Hindi ako galit sa kanila, subalit, ito ang nakikita ko at naririnig ko.

Kung tutuusin, marami pang genre ng music ang kinahihiligan ng mga Pinoy. Karamihan nga ay American music, dahil sabi nga ng marami ay mas naiintindihan ng maraming tao dahil kahit papaano ay second language natin ang Ingles. Ang KPOP ay hindi naiintindihan ng karamihan, pero marami ang nagtatanong kung bakit nahuhumaling ang mga tao dito. Yes, idols. Siguro, marami nang nag-shift from American to Korean pop dahil ang ibang American songs (hindi ko inilalahat) ay may temang sex, drugs and alcohol, or SAD. 2000 – 2009 Korean pop songs are worth listening, dahil maraming mga unique themes at wholesome lyrics. Pero nakakalungkot na isipin, sa pagsikat ng KPOP sa ibang bansa, marami na ring nagsulputang mga ibang groups, at minsan hindi na wholesome ang mga lyrics ng mga kanta. Ganoon din siguro ang OPM. It is subject to change, kaya nagiging transitory ang genre na mahal nating mga Pinoy.

Pero who cares about the lyrics? Lyrics just add some quality. It is not the quality itself. Music is a language. Even without the lyrics, as long as it is pleasing to the ears of the listeners, it is still music.

Ngayon pa na may PPOP. I’ll be honest, I don’t like it at first. But afterall, it’s still our music. PPOP is part of OPM. Although it can be helped na i-compare ito sa JPOP or KPOP or Mandarin Pop or kung saan man, appreciate it. I’ll try. There is nothing wrong with it, right?

Mayroon nga akong dinaluhan na parang conference about music and I was really happy dahil ang ilang mga Philippine musical instruments ay ang gaganda. At higit pa, gawa ng Pinoy. Kung maipopromote lamang ito ay sigurado akong babalik ulit ang OPM. At hahangaan din tayo ng mundo.

Isipin na lang na natin na kapag sumikat ang OPM sa ibang bansa, magiging ganito rin ang kalalabasan. Gusto kong sumikat ang sariling musika ng mga Pilipino, siguro ganoon din ang pakiramdam ng ibang bansa, tulad ng Korea. Maganda rin naman ang makinig sa mga musika ng iba. At least, nagkakaisa tayo sa mga bagay na ito.

Maganda ang OPM. It doesn’t suck. Hindi ako magagalit sa mga hindi nakaka-appreciate ng OPM, o kahit sa mga taong hindi nakaka-appreciate ng KPOP, dahil kung hindi dahil sa kanila, masyado nang perpekto ang lahat. Pero kailangan nating maging open sa ibang tao. We should settle our differences to see our similarites, hindi ba? Wala ring mangyayari kung hindi tayo kikilos.

I am currently composing OPM songs, studying the beauty of every genres of music. I believe, there is. Tip: There is no original genre/theme. But there is a way to make it better, right? Gusto ko ang musika. Hindi man lahat, at least alam kong nakikita ko ang tunay na value ng musika. Mapa-KPOP man yan, American at higit na ang OPM. Hindi kailanman mawawala ang musika na ating minamahal.

Maraming salamat sa ating pangulo dahil isa ito sa mga pinagtuunan niya ng pansin.

Mabuhay ang OPM! KPOP jjang! Let’s be united for the sake of music… if we lose it, will this world be a nice world to live in?

Haist. Nailabas ko rin ang OPM-KPOP secret ko. 😀

2 thoughts on “(RP) Ano Nga Ba?

  1. Bias. Di ka tunay na pilipino, walang pagmamahal sa sariling atin. Kaya di na umuunlad ang OPM dahil yan na ang pnprefer nyo. Walang sense ang mga sinabi mo dahil kpop fan ka pa rin.

    • Tunay akong Pilipino. Hindi mo masasabi na wala akong pagmamahal sa sariling atin dahil ang MAS p-in-refer ko ay KPOP. At mas lalong hindi mo masasabi na hindi ako tunay na Pilipino dahil hindi mo ako kilala.

      Nabibilang na kami. Pero bawal ba ang mahilig sa ibang musika dahil lang Pilipino ka? Hindi naman lahat ng KPOP fans ayaw ng OPM. Wala pang KPOP sa eksena, nagkakaroon na ng debate tungkol diyan. Mas pinainit nga lang ng iba na galit na galit sa KPOP dahil WALANG MAINTINDIHAN sa mga kantang KPOP.

      Hindi umuunlad ang OPM hindi dahil may mga KPOP fans. Hindi umuunlad ang OPM dahil may mga iba na hindi gumagawa ng paraan para tanggapin ang katotohanan na marami pa ring pagkukulang ang OPM. Revivals. Kung hindi revivals, original nga, pero ang meaning? Isa akong KPOP fan, pero gusto ko ang DATING OPM. Kung itatanong mo, mas gusto ko pa ang mga lumang kanta na pinauso pa nina Sharon Cuneta, Zsa Zsa Padilla, Martin Nievera, Gary Valenciano, Basil Valdez, at marami pang iba.

      Ano ba ang mga pinapatugtog sa radyo ngayon? Hindi naman KPOP ah. Iilan na nga ba ang mga KPOP fans sa Pilipinas? Pero lahat (o halos lahat) ng tao sa Pilipinas ay OPM pa rin ang gusto. Siyempre, bansa natin ito eh. Mas naisasadamdamin ang musikang likha ng Pinoy.

      Hindi ibig sabihin na KPOP fan ako, wala nang sense ang pinagsasabi ko. Ang tanong ko lang, may ginagawa ba tayo para ibangon ang OPM? Wala, di ba? Kahit hindi KPOP fans, kahit mga simpleng tagapakinig ng musika, walang ginagawa. Humahanga nga ako sa iilan na gumagawa ng paraan para ibalik ito. Natutuwa ako dahil marami nang mga Pinoy composers ang gumagawa ng kanta na maganda ang himig at maganda pa ang lyrics.

      P.S. Sinabi ko, una pa lang, na wala akong biases. 🙂 Opinyon ko ito. Hindi ko sinabing paniwalaaan mo at tanggapin mo lahat ng sasabihin ko.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s